Sinabi ni Senator Francis Tolentino na maaring pagbasehan ng Department of Health (DOH) ang Republic Act No. 10152 sa pagturok ng COVID 19 vaccines sa mga bata at kabataan.
Paliwanag ni Tolentino sa pamamagitan ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act maaring madetermina ng DOJ ang mga ‘vaccine-preventable diseases’ na maaring sakupin ng mandatory vaccination.
Aniya ang kailangan lamang ay magpalabas ng department circular ang kalihim ng DOH at hindi na kailangan pang magpasa ng batas para maturukan ng COVID 19 vaccines ang mga bata.
“Iyon pong probisyon sa ating Saligang Batas tungkol sa kalusugan ay sapat na po na maging basehan para bakunahan ang mga bata,” sabi ng senador.
Diin pa niya, ito na ang tamang panahon para mabakunahan kontra COVID 19 ang mga menor de edad dahil padami nang padami ang suplay ng bakuna sa bansa.