Tatlong taniman ng marijuana sa Cebu sinalakay ng PDEA

PDEA PHOTO

Tinatayang aabot sa P20.6 milyon ang halaga ng marijuana na sinira ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu.

 

Unang sinalakay ang taniman sa Barangay Gaas sa bayan ng Balamban, kung saan 11,500 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P4.6 milyon ang sinira.

 

Sa Toledo City naman, natunton ang dalawang  taniman  sa Barangay General Climaco at aabot sa anim na milyon piso ang halaga ng mga sinirang fully gown marijuana.

 

Bagamat nakilala, hindi nahuli ng PDEA ang mga sinasabing cultivators ng mga marijuana sa mga naturang taniman.

 

Pinaghahanap na ngayon sina Rodrigo Cabilles, Ernie Lagaza, and Enyoy Zabate.

Read more...