Naitakas ng Magnolia ang 106 – 98 panalo kontra TNT para matapyasan ng isang panalo, 2 – 1, ang kanilang hinahabol sa serye.
Binanderahan naman ni Paul Lee ang Magnolia sa kanyang 21 puntos samantalang si Ian Sangalang ay nag-ambag ng 20 puntos, 16 kay Mark Barroca at 14 naman kay Calvin Abueva para sa balanseng opensa.
Ayon kay coach Chito Victolero hinigpitan na nila ang kanilang depensa sa ibang manlalarong ng TNT.
Tumira ng 18 tres si Williams at 10 ang kanyang naipasok. Kinapos lang siya ng tatlong puntos para mapantayan nito ang 42 puntos na ginawa ni Eric Menk sa kanyang rookie year habang naglalaro para sa Tanduay noong 1999 All-Filipino Cup laban sa Shell.
Iskor:
MAGNOLIA 106 – Lee 21, Sangalang 20, Barroca 16, Abueva 14, Jalalon 11, Dela Rosa 9, Corpuz 7, Reavis 5, Ahanmisi 3, Melton 0
TNT 98 – M.Williams 39, Pogoy 14, Erram 10, Castro 9, Heruela 8, Marcelo 7, K.Williams 4, Reyes 3, Rosario 2, Khobuntin 2, Montalbo 0, Exciminiano 0, Mendoza 0