Carlos Yulo nakakuha ng vault gold medal sa world champions

Nasungkit ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s vault  2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan.

Ito ay matapos makapuntos ang 21 anyos na si Yulo ng 14.916 na average score.

Nakuha naman ni Yonekura Hidenobu ang silver medal habang napunta kay Andrey Medvedev ng Israel ang bronze medal.

Matatandaang bigo si Yulo na makakuha ng gintong medalya sa katatapos na Tokyo Olympics sa Japan.

 

Read more...