Senador Bong Go nanguna sa vice presidential survey
By: Chona Yu
- 3 years ago
Pinakain ng alikabok ni Senador Bong Go ang mga kalabang kandidato sa pagka-bise presidente ng bansa sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa nanguna si Go sa vice presidential survey na isinagawa ng Publicus Asia Incorporated.
Nakakuha si Go ng 23.6% rating kumpara sa mga kalabang sina Doctor Willie Ong na nakakuha ng 19% at Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 17.3%.
Pang-apat si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 2.6%.
May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.