Bayanihan flights ng CebuPac nakapag-uwi ng 1,417 Filipinos

CEBU PACIFIC PHOTO

Sa nakalipas na dalawang linggo na pagsasagawa ng Cebu Pacific ng kanilang Bayanihan flights, umabot sa 1,417 Filipinos ang nakauwi ng bansa.

 

Ang mga Bayanihan flights ay ang biyaheng Dubai-Mnaila noong Oktubre 11, 13, 18 at 20, at Oktubre 21 – 23 naman sa Dubao-Davao.

 

Ikinasa ang mga biyahe bilang suporta sa repatriation program ng gobyerno at koordinasyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

 

“The Bayanihan flights were mounted so we can bring more Filipinos home.  We will keep on working to provide more ways to help more Filipinos, as we enter the holiday season,” sabi ni Alex Reyes, ang Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

 

Simula noong Hulyo, higit 6,500 Filipinos mula sa Dubai, Abu Dhabi, Oman, India, Vietnam, Lebanon, at Bahrain ang naiuwi ng Cebu Pacific sa pagpupursige ng Department of Foreign Affairs.

Read more...