LGUs pinare-relax ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa planong pagbili ng COVID 19 vaccines

NTF – COVID 19 PHOTO

Walang dapat ipag-alala ang mga lokal na pamahalaan sa suplay ng kanilang COVID 19 vaccines dahil may sapat na suplay sa bansa para bakunahan ang ‘target population.’

 

Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., at aniya hindi dapat iniisip ng mga LGUs na bumili ng kanilang bakuna.

 

Reaksyon ito ni Galvez sa sinabi ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na hindi binibigyang pansin ng gobyerno ang hiling ng LGUs na makabili sila ng sarili nilang bakuna.

 

Aniya halos one million doses ang dumadating sa bansa kada araw ngayon Oktubre at agad din nila itong ipinamamahagi sa mga lokal na pamahalaan.

 

Simula noong Pebrero, 94,678,340 doses na ang dumating sa bansa, may 10 milyon ang nasa cold storage facilities at may 40 milyon naman ang ituturok na lamang.

 

Ngayon gabi, inaasahan ang pagdating ng karagdagang 3 million doses ng Sinovac COVID 19 vaccines, dalawang milyon ang binili ng gobyerno at ang isang milyon ay donasyon ng gobyerno ng China.

 

Read more...