(Manila PIO)
Umabot na sa 8,639 na mga bata na may comorbidities ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa naturang bilang, apat ang nakaranas ng reactions.
Ayon kay Vergeire, isa sa bata ay mayroong anxiety habang ang tatlo ay mayroong allergy.
Matatandaang binuksan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas sa buwan ng Disyembre.
MOST READ
LATEST STORIES