Tatlong mangingisda na-rescue ng PCG sa Benham Rise

Tatlong mangingisda ang na-rescue ng Philippine Coast Guard sa karagatan ng Benham Rise.

Ayon sa ulat ng PCG, nakilala ang mga mangingisda na sina Romeo Bernardo, 59, Freddie Lubiano, 54 at Glen Lopez, 44.

Nabatid na sakay ng motorbanca na F/BCA Benedecto Uno ang tatlong mangingisda at palutang-lutang may 50 nautical miles northeast ng Pandan Catanduanes.

Ayon sa salaysay ng kapitan na si Lubiano, nagkaroon ng problema ang makina ng bangka habang patungo sa Barangay Napo, Pandan.

Kagagaling lamang ng tatlo na mangisda sa Benham Rise.

Inabot ng apat na oras ang PCG sa pag-rescue sa tatlong mangingisda.

Read more...