5,807 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Aabot sa 5,807 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Batay sa talaan ng Department of Health, nasa 2,751,667 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Sa naturang bilang, nasa 63,051 ang aktibong kaso.

Nasa 77.7% ang mild, 6.5% ang asymptomatic, 8.89% ang moderate, 4.9% ang severe, at 2.1% ang critical condition.

Nasa 65 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan nasa 41,585 ang bilang ng mga nasawi.

Read more...