Bumaba na sa 1,000 ang average number ng bagong COVID-19 na naitatala sa Metro Manila kadaa araw.
Ayon kay Doctor Guido David ng OCTA Research, ito na ang pinakamababang bilang simula noong July 22.
Sinabi pa ni David na nasa 47 percent na mas mababa ang kasalukuyang average number kumpara sa seven-day average na naitala noong nakaraang linggo na nasa 1,762.
Samantala, bumaba ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila at pumalo sa 0.45.
Bumaba rin sa 7 percent ang positivity rate mula sa 10 percent noong nakaraang linggo.
Nabatid na ang kasalukuyang daily attack rate ay nasa 7.03 per 100,000 individuals kada araw.
MOST READ
LATEST STORIES