Diin nito, ang mataas na presyo ng kuryente ang dahilan kaya iniiwasan ng mga banyagang mamumuhunan ang Pilipinas.
“Talaga namang napakamahal ng kuryente dito more than dun sa sinasabi nilang rason na mataas ang labor cost dito. I don’t think that is the real reason, ‘yung reason talaga kaya ayaw pumunta ng mga investors dito ay ang napakamahal na kuryente,” sabi nito.
Aniya, nagsisilbing balakid sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa ang isyu sa halaga ng kuryente.
Kasabay nito ang kanyang apila sa Meralco na maging responsableng korporasyon at isipin ang kalagayan ng mga konsyumer ngayon may pandemya.
Giit ni Zarate, hindi naman ikakalugi ng power distributor kung hindi nila ipapasa sa mga konsyumer ang tinatawag na ‘pass on charges.’
Una nang inanunsiyo ng Meralco ang karagdagang P0.283 per kilowatt hour na kanilang idagdag sa kanilang sisingilin at ito ay nangangahulugan ng karagdagang P5.66 sa mga nakakonsumo ng hanggang 200kWh,
P8.49 sa mga gumagamit ng 300 kWh, at P14.15 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.