PCG, magtatayo ng sub-station sa Davao del Sur

Photo courtesy: PCG District Southeastern Mindanao

Magtatayo ang Philippine Coast Guard (PCG) Southeastern Mindanao ng Coast Guard Sub-Station Malalag sa bahagi ng Barangay Baybay sa Malalag, Davao del Sur.

Kasunod ito ng pagpirma ng deed of donation sa pagitan ng PCG at nasabing munisipalidad sa pamamagitan ni Mayor Peter Paul Valentin noong Huwebes, October 21.

Ikinalugod ni PCG District Southeastern Mindanao Commander, CG Commodore Allan Corpuz sa munisipalidad para sa pagbubukas ng pinto sa PCG upang makapaghatid ng serbisyo sa mga residente ng Malalag.

“Through this donation, PCG personnel could further uphold maritime security and maritime safety, especially along the economic area of the municipality – the Malalag Bay,” pahayag ni Corpuz.

Ipinarating naman ni Valentin ang buong suporta sa PCG District Southeastern Mindanao upang matiyak na maayos ang kalusugan, kaligtasan at seguridad ng mga residente ng Malalag sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...