Higit 1,500 pasahero, naserbisyuhan ng libreng sakay ng PCG

Photo courtesy: Coast Guard Logistics Systems Command

Umabot na mahigit 1,500 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng libreng sakay ng Philippine Coast Guard (PCG).

Base ito sa datos sa programang hatid ng Coast Guard Logistics Systems Command simula noong Lunes, October 18.

Simula kasi nang ipatupad ang Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR), naramdaman ang pagdagsa ng mga commuter sa EDSA Busway.

Bunsod nito, agad nakipag-ugnayan ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa PCG para makapag-deploy ng karagdagang bus sa rutang MOA – PITX – Monumento at pabalik mula 7:00 umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Read more...