BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 5,823 na bagong kaso ng COVID-19

Halos 6,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 22), nasa 2,745,889 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 66,838 o 2.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,823 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

79.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 8.33 porsyento ang moderate; 4.6 porsyento ang severe habang 1.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 283 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 41,520 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,748 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,637,531 o 96.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...