DPWH, magkakaroon ng weekend road reblocking sa EDSA

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs sa ilang kalsada sa EDSA.

Sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (October 22).

Apektado ng aktibidad ang mga sumusunod na kalsada:
1. España Boulevard (mula Extramadura Street hanggang M. Dela Fuente Street)
2. C.P Garcia Francisco Street hanggang Aguinaldo Street (2nd lane mula sa sidewalk)
3. EDSA Tramo Flyover Aurora Blvd. (Tramo Off Ramp), Pasay City
4. EDSA Quezon City bago ang Anapolis hanggang bago ang Boni Serrano flyover Northbound (2nd lane mula sidewalk)

Muli namang bubuksan ang nasabing kalsada dakong 5:00, Lunes ng madaling-araw (October 25).

Abiso sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Read more...