Ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr, presidente ng LPP, ito ay dahil sa dadagsa ang mga bibisita sa sementeryo bago ang Undas.
Pangako ni Velasco, susunod naman ang local government units sa health protocols na itinakda ng IATF kontra COVID-19.
Sa naunang resolusyon ng IATF, isasara ang mga sementeryo sa buong bansa simula sa October 29 hanggang Novermber 2.
Tradisyunal na ginugunita ng Pilpinas ang Undas tuwing November 1 at 2.
“Kami naman po ay sumusunod sa regulasyon ng IATF, at kung isasara nga po iyong mga sementeryo sa apat na araw na iyon ay susundin naman po natin. So ang pinaghahandaan po ng mga local government units ay ito pong darating na Sabado at Linggo at iyan naman po ay nilalagyan na po nila ng karapat-dapat na mga ordinansa para po makontrol iyong dami po ng tao na papasok diyan sa loob ng public cemeteries,” pahayag ni Velasco.
“So marami ho namang nag-isyu at as usual po, tama po iyong guideline na [binuo] ng ating IATF na talaga pong may schedule po at saka lilimitahan iyong pumapasok po sa loob ng isang period of time ay kailangan po talagang limitado,” dagdag ng gobernador.