Pumalo na sa 243.29 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 243,298,750 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 46,174,547 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,143,236 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,697,341 naman ang kaso sa Brazil habang 8,641,221 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,131,164
– Turkey – 7,772,604
– France – 7,108,206
– Iran – 5,833,525
– Argentina – 5,277,525
– Spain – 4,995,176
– Colombia – 4,986,249
– Italy – 4,729,678
– Germany – 4,446,857
– Indonesia – 4,237,834
– Mexico – 3,772,556
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,945,928 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 220,490,808 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.