Negosyante, 2 pa timbog sa P3.4M halaga ng shabu

(PDEA photo)

Arestado ang isang negosyante at dalawa niya kasama sa ikinasang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang tatlo na sina Marvin Espiritu, alias Barron, 30; John Paul Reyes, 26 at Christine Alvaran, 25.

Ayon kay PDEA – NCR Dir. Christian Frivaldo alas-3:10 ng hapon ng Huwebes nang ikasa nila ang operasyon sa Barangay Panapaan 1.

Nakumpiska nila sa tatlo ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at isang Toyota Avanza.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Read more...