Queen Elizabeth nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital ang 95 anyos na si Queen Elizabeth.

Ito ay matapos ang isang gabing pananatili ni Queen Elizabeth sa  King Edward VII hospital.

Hindi naman tinukoy ng mga doktor kung ano ang sakit ni Queen Elizabeth.

Katunayan, agad na nakabalik sa trabaho sa Windsor Castle si Queen Elizabeth.

Matatandaang kinansela ni Queen Elizabeth ang biyahe sa Northern Ireland dahil sa karamddaman.

Read more...