P262.20 milyong halaga ng shabu nasamsam sa Pampanga

Aabot sa P262.20 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong kontrabando kung kaya nagsagawa ng buy bust operation katuwang ang PDEA.

Aabot sa 38 kilo ng shabu ang nakuha.

Bukod sa shabu, nakuha rin ang isang caliber .45 pistol, dalawang Iphone, at iba pang gamit.

Nabatid na ang operasyon sa Pampanga ay follow up operation sa Dasmarinas, Cavite noong October 16 kung saan nakuha ang 240 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.656 bilyon.

 

Read more...