Tradisyunal na musical instruments sa Pilipinas, makikita sa bagong stamp collection ng PHLPost

PHLPost StampBilang bahagi ng paggunita sa National Heritage Month ngayong buwan ng Mayom naglabas ng koleksyon ng stamp ang Philippine Postal Corporation kung saan makikita ang mga tradisyunal na musical instruments ng bansa.

Ayon sa PHLPost, nasa 101,000 na stamps ang kanilang nai-print na ibebenta ng kinse pesos kada isa, habang mayroong 5,000 kopya ng limited edition stamps na ibebenta ng sixty pesos kada isa.

Sa pahayag ng PHLPost, ang special stamps ay layong ipakilala ang kasaysayan at kuultura ng bansa sa larangan ng musika.

Sa halip na mga gitara, keyboard at iba pang makabagong musical instruments na alam ng mga kabataan ngayon, ay pawang mga traditional na gamit sa paglikha ng musika ang makikita sa mga stamp.
Featured in the stamps are eight traditional musical instruments from the collection of National Artists for Music Ramon Santos, a musicologist who did extensive research on traditional and contemporary music traditions of the Philippines and Asia. These include:

Kabilang dito ang kulintang na helera ng gongs, kudyapi na isang two-stringed instrument na gawa sa kahoy, dabakan na isang goblet-shaped drum, at gangsa na flat na gongs na gawa sa bronze.

Sa special souvenir sheet ng PHLPost, makikita ang mga instrumentong kudlong na isa ring two-stringed instrument, libbit na isang makalumang uri ng drum, agung na isa ring gong at gabbang na xylophone na gawa sa kawayan.

 

Read more...