Sunog sa Brgy. Botocan, QC, umabot sa 5th alarm

Twitter Photo / Karlo Martin Santos
Twitter Photo / Karlo Martin Santos

Nasunog ang mga kabahayan sa Barangay Botocan sa Quezon City ngayong umaga.

Apektado ng sunog na umabot sa ikalimang alarma ang mga informal settlers sa Area 7 malapit sa Anonas Road sa Sikatuna Village.

Nagsimula ang sunog pasado alas 8:00 ng umaga at naideklarang fire out alas 9:11 ng umaga.

Ayon sa mga residente, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Connie Patricio matapos na umusok at tuluyang magliyab umano ang electric fan sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Fire Department umabot sa 50 bahay ang natupok ng apoy.

Ang mga apektado namang pamilya ay sa isang covered court na lamang muna sa lugar pansamantalang mananatili.

 

Read more...