Humihirit si Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na babaan ang excise tax sa kuryente at petroleum products.
Pahayag ito ni Moreno sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Moreno, kapag tinapyasan ang excise tax, malaking ginhawa ito sa mga tsuper, maging sa mga ordinaryong Filipino gaya ng mga magsasaka at mangingisda.
Kung papalaring maupong pangulo ng bansa, pangako ni Moreno, babawasan ang excise tax sa petroleum products ng 50 porsyento.
Balak din ni Moreno na magpatupad ng 50-percent tax break sa kuryente na tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa mga consumer.
“To cushion the socio-economic impact of the pandemic, a 50-percent reduction in fuel excise tax can lower the power generation cost and another 50-percent cut on taxes on electricity would mean savings for the majority of our people, many of whom are jobless now due to the Covid 19 pandemic,” pahayag ni Moreno.