70 pang pulis, gumaling sa COVID-19

Nasa 64 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (October 21), 41,453 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 842 ang aktibo pang kaso.

70 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,488 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...