Partikular na apektado ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Bukidnon, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Ayon kay Anianita R. Fortich, PAGASA-Mindanao Regional Services Division officer-in charge, sa Camiguin Island, mararanasan ang tagtuyot hanggang sa buwan ng Hunyo.
Sa datos ng Department of Agriculture, sa ngayon umabot sa halos 60 libong magsasaka ang apektado na ng tagtuyot sa nasabing rehiyon.
Nasa 28,893 na ektarya naman ng pananim na mais ang nasira na.
Ayon kay Audy G. Maagad, DA supervising agriculturist, naglaan na sila ng tulong sa mga magsasaka gaya ng pagbibigay ng pump equipment, hybrid at certified seeds, fertilizers at gamot apra sa livestock.