(UPDATED) Inihatid sa huling hantungan si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Simula kahapon ng umaga ay nasa session hall ng Korte Suprema ang mga labi ng yumaong si Corona kung saan nagkaroon ng necrological services.
Sa session hall din naganap ang huling lamay para sa dating punong mahistrado.
Kaninang pasado alas 7:00 ng umaga ay nailabas na sa Korte Suprema ang mga labi ni Corona at muling dinala sa Heritage Park sa Taguig.
Nagdaos muna ng isang misa alas 9:00 ng umaga bago ang paghahatid sa huling hantungan kay Corona alas 10:00 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES