Lagpas 4.93 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,938,229 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 751,811.
Sumunod na rito ang Brazil na may 604,303 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 452,844 naman ang death toll sa India habang 285,347 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 226,353
– Peru – 199,945
– Indonesia – 143,077
– United Kingdom – 139,031
– Italy – 131,688
– Colombia – 126,931
– Iran – 124,585
– France – 117,376
– Argentina – 115,770
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 242,834,042 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 220,115,814 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.