Chop-chop na bahagi ng katawan dalawang tao natagpuan sa Malabon

Crime scene2Natagpuan ng mga residente kaninang madaling araw ang chopchop na bahagi ng katawan tao na nasa loob ng sako sa Tugatog, Malabon.

Unang nadiskubre ng ilang residente ang kulay dilaw na sako sa basurahan sa P. Aquino Avenue sa Letre Road kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Ayon kay Barangay Tanod Eugenio Pilenio, nang kanilang buksan, tumambad sa kanila ang duguang dalawang binti ng tao.

Katabi nito ang isa pang sakop na kulay puti naman na may lamang ulo at torso.

Ilang minuto ang na nakalipas isa pang sako ang nakita ng mga tauhan ng barangay na naglalaman ng isa pang katawan ng tao.

Dinala na sa punerarya ang mga nakitang bahagi ng katawan para maisailalim sa sa otopsiya.

 

Read more...