Sec. Harry Roque binasted ng ‘niligawan’ na kapalit sa posisyon

Ibinahagi ni Presidential spokesman Harry Roque na may kinausap na siya na papalit sa kanyang posisyon.

Ayon kay Roque, ‘personal choice’ niya ang tao, ngunit umayaw ito na maging tagapasalita ni Pangulong Duterte.

Aniya inalok niya ang posisyon sa tao sakaling mapagpasyahan niya sumali sa senatorial race sa 2022 elections.

“I had someone in mind, but the person declined,” sabi ni Roque, na hindi na ibinahagi ang dahilan ng pagtanggi ng inalok niya.

Kasabay nito, sinabi pa ni Roque na dapat ay ipagpasalamat ng magiging kapalit niya ang posisyon dahil may trabaho siya.

Aniya, pitong buwan na lamang itong magsisilbi sa Malakanyang at magiging magaan na ang trabaho dahil panahon na ng eleksyon kayat marami na ang nagsasalita para sa Punong Ehekutibo.

Read more...