Basa sa inilabas na datos ng PNP ngayon araw, mula sa 98 ay umakyat sa 105 kahapon ang locked down areas sa 58 barangay sa Kalakhang Maynila.
Binubuo ito ng 57 bahay, 28 residential buildings, 12 subdibisyon at anim na palapag ng residential buildings.
Utos ng mga lokal na pamahalan ang pag-locked down sa mga nabanggit na lugar, gusali at bahay.
Samantala, simula noong Oktubre 16, umabot na sa 45,592 quarantine violators ang naitala ng PNP sa Metro Manila.
Sa mga lumabag, 56 porsiyento ang nabigyan ng warning, 36 porsiyento ang pinagmulta, at ang walong porsiyento ay nahaharap sa iba pang paraan ng pag-disiplina.