Reaksyon ito ng Malakanyang sa pananatiling kulelat ni dela Rosa sa ibang pang mga presidential candidates.
Si dela Rosa ang standard bearer ng administration party, PDP – Laban, ang running mate niya si Sen. Christopher Go.
Sinabi pa ni Presidential spokesman Harry Roque na may sapat na makinarya ang administrasyon para makumbinsi ang mga botante na nararapat na si dela Rosa ang pumalit kay Pangulong Duterte sa susunod na taon.
Binanggit pa niya ang naging sitwasyon noong 2016, kung saan pumangalawa pa si dating Sen. Mar Roxas kay Pangulong Duterte bagamat hindi ito popular.
Kasabay nito, tiwala din si Roque na malaki din ang tsansa ng mga kandidato sa pagka-senador ng administrasyon.
“So I’m saying that the administration candidates will still have a very strong chance because they have the administration behind them, the entire machinery of government behind them,” sabi pa ni Roque.