EDSA traffic back to old normal – MMDA chief

Halos nagbalik na sa ‘pre-pandemic traffic’ ang sitwasyon sa EDSA, pag-amin ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr.

Aniya, noong nakaraang Oktubre 7, 390, 238 ang bumagtas sa EDSA, na mababa na lamang ng bahagya sa naitalang 405,882 sasakyan noong Hulyo 8, 2019.

Ngunit ayon kay Abalos bumilis naman ang biyahe mula Monumento hanggang sa Roxas Boulevard at ito aniya ay 23.43 kilometro kada oras kumpara sa 11 kilometro kada oras bago ang pandemya.

Sa kabila ng pagdami ng mga sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila, suspindido pa rin ang pagpapatupad ng number-coding scheme sa katuwiran na hindi pa normal ang pampublikong transportasyon.

Paraan din aniya ito para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19 dahil ang pribadong sasakyan ay nagsisilbing ‘personal bubble’ ng motorista.

Katuwiran din ni Abalos kapag ipinatupad na ang ‘number coding’ marami na ang magsabay-sabay sa iisang sasakyan at titindi ang posibilidad ng hawaan.

Read more...