Sa inilabas pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya.
Giit ng kagawaran, isang “legitimate, customary, and routine patrols” ang isinagawa sa territory at maritime zones ng bansa.
“These provocative acts threaten the peace, good order, and security of the South China Sea and run contrary to China’s obligations under international law,” dagdag ng DFA.
Noong Setyembre, ipinag-utos ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghahain ng protesta laban sa China dahil sa patuloy na presensya nito sa West Philippine Sea.