Rep. Torres-Gomez, sinabing hindi korap si Sen. Ping Lacson

Senate PRIB photo

Miyembro ng administration party si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez, ngunit sa harap ng kanyang mga kababayan sa Ormoc City, inanunsiyo nito ang kanyang paghanga kay Senator Panfilo Lacson.

Kinilala ni Torres-Gomez na isa si Lacson sa mga mambabatas na may ‘corruption-free track record’ at aniya, hindi din tumatanggap ng ‘pork barrel’ ang senador.

Ayon pa sa mambabatas, bilib din siya sa mga adbokasiya ni Lacson para mawakasan ang katiwalian sa gobyerno.

Hinikayat niya ang mga botante na kilatising mabuti ang mga kandidato at iboto ang mga may kapabilidad na harapin at bigyang solusyon ang mga napapanahong isyu sa bansa.

Nagtungo kamakailan si Lacson sa Ormoc City para sa pagsasanay ng political officers, gayundin ng barangay healthcare workers mula sa iba’t ibang bayan sa Leyte.

Read more...