Nais ni Senator Christopher Go na madagdagan ang pondo ng mga lokal na pamahalaan sa mga pampublikong paaralan.
Isinusulong ni Go ang Senate Bill 396 sa Senado para mapalawak ang maaring sakupin ng Special Education Fund.
Naniniwala ang senador na ito ang isa sa maaring paraan upang maayos na maikasa ng mga paaralan ang ‘new normal education,’ partikular ang ‘blended learning system’ sa pagpapatuloy ng pandemya.
Isa ito aniya sa kanyang adbokasiya para sa mga kabataan sa katuwiran na makakatulong ang edukasyon sa pag-angat at pagbabago sa uri ng pamumuhay.
“‘Yung mga programang nakakatulong po sa mahihirap, sa mga kabataan gusto ko pong isulong po ‘yun. Gusto ko at least one graduate per family para meron na pong sumuporta sa pamilya na ‘di lang po umaasa sa ayuda,” aniya.