Personal na tinawagan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte si Presidential Spokesman Harry Roque para himukin na kumandidatong senador sa 2022 elections.
Ayon kay Roque, ginawa ni Mayor Sara ang pagtawag sa telepono noong October 8 o huling araw ng filing ng certificate of candidacy.
Pero ayon kay Roque, nahirapan siyang magpasya na tumakbong senador nang hindi man lang nalalaman kung sino ang kanyang ulo o pangulo na kakandidato sa susunod na eleksyon.
Mahirap aniyang pumila sa senatorial line up nang hindi naman niya pinaniniwalaan ang kandidatong pangulo.
Una rito, sinabi ni Roque na kakandidato lamang siyang senador kung kakandidatong pangulo ng bansa si Mayor Sara.
Mayroong panahon si Roque na magpasya hanggang sa Novermber 15 para sa substitution.
Maaring palitan ni Roque sina dating Defense Secretary Gilbert Teodoro at Paulo Martelino na parehong naghain ng kandidatura sa pagka-senador sa ilalim ng kanilang partidong People’s Reform Party.