Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 20), pumalo na sa 2,735,369 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 67,061 o 2.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,656 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
77.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.8 porsyento ang asymptomatic; 8.69 porsyento ang moderate; 4.6 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa lima naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 40,977 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 228 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,627,331 o 96.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.