Palasyo: Malabong magkaroon ng reenacted budget sa 2022

PCOO photo

Malabong magkaroon ng reenacted budget sa 2022.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang kahit na patuloy ang bangayan ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga senador.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit nagkakagirian ang ehekutibo at lehislatura, hindi kapaki-pakinabang ang reenacted budget lalo na sa mga reeleksyunistang kongresista at mga senador.

Tiyak aniyang may mga personal stake sa budget ang mga mambabatas kung kaya kailangang ipasa ang bagong proposed budget.

Sinabi pa ni Roque na umaasa ang gobyerno sa budget para matugunan ang pandemya sa COVID-19.

Kung hindi man aniya ipasa ng Kongreso sa tamang oras ang budget, hindi na ito kasalanan ni Pangulong Duterte.

Read more...