Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa 848

Nasa 61 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (October 20), 41,398 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 848 ang aktibo pang kaso.

62 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,427 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...