Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 242.33 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 242.33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 242,335,622 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 45,996,507 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,108,996 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,664,879 naman ang kaso sa Brazil habang 8,541,192 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,060,752
– Turkey – 7,714,379
– France – 7,096,043
– Iran – 5,809,967
– Argentina – 5,274,766
– Spain – 4,990,767
– Colombia – 4,983,527
– Italy – 4,722,188
– Germany – 4,410,332
– Indonesia – 4,236,287
– Mexico – 3,762,689

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,928,965 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 219,683,229 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...