DOTr, nilinaw na hindi pumasok sa anumang kontrata sa Pharmally

DOTr Facebook photo

Nagbigay-linaw ang Department of Transportation (DOTr) na hindi sila pumasok sa anumang kontrata sa Pharmally Pharmaceutical.

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng Philippine National Railways (PNR) sa anomalya ukol sa P619,000 halaga ng pagbili ng infrared thermometers, goggles at face shields sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Sinabi ng kagawaran na kayang makapagpakita ng ebidensya ng PNR sa regularity ng Emergency Procurement ng mga nabanggit na kagamitan para magamit ng kanilang mga tauhan.

“PNR is most ready to present or submit the necessary documentary proofs of its small value procurement, such as relevant market studies or canvasses at that time, as needed,” pahayag nito.

Giit ng DOTr, sumusunod sila sa pananatili sa prinsipyo ng katapatan, integridad at transparency sa lahat ng pinapasok na procurement, contractual obligations at transaksyon.

“Under the unrelenting leadership of Secretary Art Tugade, we have sworn to uphold and have taken these core values to heart, all in our continuing effort to maintain the trust and confidence bestowed to us by the public,” saad nito.

Dagdag nito, “We remain confident that the TRUTH regarding this issue will come out eventually, as we continue to focus on issues that really matter– such as our relentless pursuit of completing the game changing, transformative BUILD BUILD BUILD mass transport infrastructure projects to benefit the commuters, our economy, and the entire country.”

Read more...