Isinagawa ng Board of Accountancy ang eksaminasyon sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga nitong Oktubre.
Kabilang sa Board of Accountancy sina Noe Quiñanola, Chairman; Thelma Ciudadano, Vice Chairman; Gloria Baysa, Samuel Padilla, Arlyn Juanita Villanueva at Gervacio Piator, Members.
Maaring isagawa ang registration online para sa Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration mula November 16 hanggang 19, 2021.
Pumunta lamang sa www.prc.gov.ph at sundin ang mga hakbang para sa initial registration.
Ayon sa PRC, antabayanan na lamang ang anunsiyo ukol sa petsa at venue ng oathtaking ng mga nakapasang examinees.
Narito ang buong listahan ng mga nakapasa sa naturang eksaminasyon:
https://drive.google.com/file/d/1G6eXmaEofEoO6zcxSvvmY6lW3HTqu-aw/view