Extended mall hours, planong ihirit ng MMDA

Hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mall operators sa Metro Manila na palawigin ang kanilang ‘operational hours’ kasunod ng nalalapit na Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na bahagi ito paghahanda nila sa Kapaskuhan.

Aniya, maaring magbukas ang mga mall ng 10:00 o 11:00 ng umaga at magsasara naman ng 9:00 o 10:00 ng gabi o kahit hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Katuwiran ng opisyal, ang plano ay para maiwasan ang sobrang bigat ng trapiko sa mga lansangan dahil maaring magsabay ang pagpasok sa mga trabaho sa mga magtutungo sa malls.

Nais din aniya nilang ipagbawal ang ‘weekday sales.’

“Ito ay gagawin lang tuwing Sabado o Linggo, o kung meron lamang holidays. Ito’y sisimulan natin itong kalagitnaan ng Nobyembre,” sabi pa ng opisyal.

Read more...