Subscribers hindi natukso na lumipat sa Dito Telecommunity

Sa kabila ng pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act, kung saan mapapanatili ng isang subscriber ang kanyang numero kahit lumipat siya ng ibang network, napakaliit na bilang lamang ang lumipat na mobile phone users sa Dito Telecommunity.

Inakala ng marami na marami ang lilipat na subscribers ng PLDT – Smart at Globe sa Dito, ngunit umabot lamang ang bilang sa 800.

Maliit ito kumpara sa inaasahan ni Telecommunications Connectivity Inc., head Melanie Manuel na hanggang isang milyong subscribers ang lilipat sa itinuturing na third major telco sa bansa.

Sa naunang panayam, ipinaliwanag ni Manuel na sa mobile switching ay inaasahan na magiging liyamado ang Dito, na tinarget na makuha kahit ang 30 porsiyento ng ‘market share’ ng PLDT – Smart at Globe.

Ito ay may katumbas na 20 milyon hanggang 25 milyon mobile phone users.

Ngunit sa kabila ng mga promo sa inaalok na serbisyo, kasama na ang mura at mabilis na internet connectivity, hindi halos nagmarka ang Dito sa usapin ng bilang ng mga naakit nilang subscribers ng dalawang higanteng network.

Aabutin lamang dapat ang mobile switching ng apat na oras at ang subscriber na nagpalit ng network ay maaring muling lumipat makalipas ang 60 araw.

Read more...