Northeasterly windflow, nakakaapekto pa rin sa extreme Northern Luzon

DOST PAGASA satellite image

Nakakaapekto pa rin ang Northeasterly windflow sa extreme Northern Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdadala pa rin ang maninipis na kaulapan ng mahihinang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Samantala, sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, magiging maaliwalas pa rin ang lagay ng panahon hanggang Martes ng gabi, October 19.

Kung makaranas man ng pag-ulan, panandalian lamang aniya ito dulot ng localized thunderstorms.

Dagdag ni Clauren, walang inaasahang bagyo o low pressure area na maaring makaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...