BREAKING: 9,609 na bagong COVID-19 recoveries, naitala sa Pilipinas

Mahigit 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 19), pumalo na sa 2,731,735 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 63,637 o 2.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,496 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

79.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.2 porsyento ang asymptomatic; 8.97 porsyento ang moderate; 4.8 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 211 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 40,972 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 9,609 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,627,126 o 96.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...