Joint maritime patrol ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas tuloy na

 

AFP Photo

Tuloy na joint maritime patrol ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas sa Sulu at Celebes Sea sa mga susunod na buwan.

Itoy’ matapos pormal nang lumagda sa kasunduan ang mga kinatawan ng tatlong bansa sa gitna ng serye ng mga pangingidnap na pinasimunuan ng bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay foreign minister Retno Marsudi ng Indonesia, magsasagawa sila ng coordinated patrols sa Sulu at Celebes Sea upang matiyak na magiging ligtas ang mga barko na dumadaan sa naturang karagatan.

Ang Sulu at Celebes Sea ay dinadaanan ng 55 metric tons ng kalakal at 18 milyong tao bawat taon.

Magiging bahagi rin ng coordinated efforts ng tatlong bansa ang pagtataguyod ng isang ‘hotline’ na magagamit sakaling magkaroon ng emergency situation.

Palalakasin din ng tatlong bansa ang intelligence sharing upang hindi na maulit pa ang mga insidente ng pangingidnap sa mga crew ng mga barkong dumadaan sa naturang karagatan.

Matatandaang kamakailan, sampung tripulante ng isang tugboat ang kinidnap ng Abu Sayyaf at kalaunan ay pinalaya rin.

May apat pang Indonesian ang bihag ng Abu Sayyaf bukod pa sa apat na Malaysian, isang Canadia, Norwegian at isang Dutch.

Read more...