PNP, nakapagtala ng 129 pang COVID-19 recoveries

Nasa 37 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (October 19), 41,345 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 849 ang aktibo pang kaso.

129 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,373 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...