Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.92 milyon na

Lagpas 4.92 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,921,324 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 746,509.

Sumunod na rito ang Brazil na may 603,521 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 452,485 naman ang death toll sa India habang 284,477 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 224,310
– Peru – 199,882
– Indonesia – 142,999
– United Kingdom – 138,629
– Italy – 131,585
– Colombia – 126,886
– Iran – 124,256
– France – 117,306
– Argentina – 115,704

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 241,915,730 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 219,250,596 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...